
A powerful song by Kuya Bien Llobrera (Philippine Navigators pioneer) with music created through AI.
It’s a heartfelt lament over our nation’s corruption and a passionate call for transformation through Christ as King.
Every great flood begins with small drops.
Let’s flood the internet with this song—our humble yet meaningful stand for integrity and national transformation.
Share now. Be the drop.
Pilipinas, Bayan Kong Mahal
Panawagan ni Cristo sa Bayan
© 2025 ni Bien Llobrera.
TUNE: AI Filipino Pop
(The name of the IT tech
or a Pseudonym such as
“Juan Paco-Cruz”)
Lyrics
[Stanza 1]
Pilipinas, bayan kong mahal,
Sari-sari sa ‘kin ang tawag,
Santo Niño ng negosyante,
Dulot sa inyo ay suwerte.
Pero ba’t kayo’y walang awa
Sa taong pobre at dukha?
Pera niya’y ninanakaw
Sa tubong linugaw.
[Koro 1]
Pilipinas, bayan kong mahal,
Ngalan ko’y ikaw lang may taglay,
Kristi-yano kang naturingan
Sa buong dulong silanganan.
Ngunit ba’t ikaw’y naging pugad
Ng mga madaya at huwad,
At mga sakim,
Na bayan ko’y kinakain?
[Stanza 2]
Pilipinas, bayan kong mahal,
Nazareno sa ‘kin ang tawag,
Nakaburol do’n sa simbahan,
Walang lakas, walang buhay,
Di baga ninyo binubulay,
Na ako’y muling nabuhay,
Taglay ko’y kalakasan,
Sa lupa’t langit man.
[Koro 2]
Pilipinas, bayan kong mahal,
Gising na’t magbago ng buhay,
Kabaitan n’yo sa simbahan,
Ay inyong dalhin sa lansangan;
Pag-ibig h’wag lang sa salita,
Kundi sa inyong mga gawa,
At sa buhay n’yo
Ay paghariin si Cristo!
[Stanza 3]
Pilipinas, bayan kong mahal,
Cristo Rey sa akin ang tawag,
Haring walang kapangyarihan
Sa inyong pamahalaan,
H’wag magnakaw, ‘yan ang utos ko,
Patuloy din ang kurakot n’yo,
Mga tao’y kawawa,
Lalong dumurukha.
[Koro 3]
Pilipinas, bayan kong mahal,
Gising na’t ang sala’y talikdan;
Ang panloloko’t pang-aapi,
At pagnanakaw ay iwaksi.
Kung hindi, ay mag-ingat kayo
Sa galit na ibubuhos ko,
At paghuhukom
Upang bayan ko’y ibangon.
[Repeat Koro 2]
Pilipinas, bayan kong mahal,
Gising na’t magbago ng buhay,
Kabaitan n’yo sa simbahan,
Ay inyong dalhin sa lansangan;
Pag-ibig h’wag lang sa salita,
Kundi sa inyong mga gawa,
At sa buhay n’yo
Ay paghariin si Cristo!
At sa buhay n’yo
Ay paghariin
Si Cristo!